VISITA IGLESIA OLD CHURCHES OF ILOCOS NORTE
..
ST. AUGUSTINE OF HIPPO CHURCH (UNESCO WORLD HERITAGE SITE) - Paoay, Ilocos Norte
STA. MONICA CHURCH - Sarrat, Ilocos, Norte
ST. JOSEPH CHURCH - Dingras, Ilocos Norte
ST. WILLIAM CATHEDRAL - Laoag City, Ilocos Norte
ST. MICHAEL THE ARCH ANGEL CHURCH - Curimmao, Ilocos Norte
ST. ANDRE CHURCH - Vintar, Ilocos Norte
BACARRA CHURCH & DOMELESS BELLFRY - Bacarra, Ilocos Norte
ST. JAMES CHURCH - Pasuquin, Ilocos Norte
SAN NICHOLAS CHURCH - San Nicholas, Ilocos Norte
ST. LAWRENCE CHURCH - Bangui, Ilocos Norte
PAGWAWAKAS
Ipinakikita ng mga huling pitong wika ni Jesus sa krus ang kabuuan ng misyon ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. May napapanahon na tagubilin si Pedro, isa sa mga alagad ni Jesus noong sinabi niya, "Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat na tularan" (1 Pedro 2:21).
Sa araw ng pagkamatay ni Jesus, parang iyon na ang katapusan ng lahat na kanyang ginawa, subalit pagkatapos na pagkatapos lamang na mamatay si Jesus, nasaksihan ng opisyal ng mga kawal na naroroon, ang kapitan, ang lahat ng nagaganap at nangyayari at siya'y nagpuri sa Diyos at sinabing, "Tunay ngang matuwid ang taong ito!" (Lucas 23:47). Dagdag pa rito, ang sabi sa Lucas 23:48, "Ang nangyaring ito'y nakita ng lahat ng taong nagkakatipon at nagmamasid; at umuwi silang dinadagukan ang kanilang dibdib.”
Sa araw ding iyon, nagsimula ang isang uri ng bagong "Exodus" --- ang paglalakbay ng maraming tao sa kanilang pananampalataya at pagsunod sa ipinakong Cristo. Hanggang sa mga araw na ito, marami ang nagpapasiya na sumama sa paglalakbay sa pananampalataya putungo sa buhay na walang hanggan. Kasama ba tayo sa paglalakbay?
Ang kahulugan ng mga pitong wika ng Panginoon sa krus ay isang mahalagang pahiwatig sa matagumpay na mensahe ng pagkabuhay na mag-uli. Ang kamatayan ni Jesus ay isang tagumpay ng Tagapagligtas upang mapatawad ang kasalanan at mawala ang tibo ng kamatayan ng mga tao. Ang huling pitong wika ay pintuan sa malawak na biyaya at pagmamahal ng Diyos na hahantong sa kapatawaran ng kasalanan at higit sa lahat sa buhay na walang hanggan.